Pahalagahan mo, habang may panahon pa :)
Kapag nawala ako, hindi ko alam kung sino yung mga pupunta sa libing ko. Gusto ko man makita, siyempre hindi na pwede. Okay na din yun, para di ko na din makita ang mga taong iiyak lalo na ang pamilya ko kung kunin man ako ni Lord.
Salamat kay Sir Ampil at binigyan niya ako ng pagkakataon na makarinig ng isang Eulogy na alay sa akin kung ako man ay mawala. Oo, requirement yung pag-gawa ng eulogy na ito para sa finals namin. Pero, habang pinapakinggan mo, mararamdaman mo kung gaano ka-sincere yung nagsulat lalo na't galing pa siya sa isa kong matalik na kaibigan, si Samae. :)
(Bago niyo basahin, patugtugin niyo to para mas maramdaman niyo. Haha: Kiss the Rain-Yiruma )
Eulogy:
"Sabi nila, mahirap daw makahanap ng true friend sa college. Kasi may kanya-kanya yang buhay, iba iba ang personalidad, interes at height at kadalasan, sa high school na makikita ang tunay na kaibigan. Kung makakahanap man daw ako ng kaibigan, panandalian lang, hindi magtatagal. Pero, nung nagkakilala kami nito at naging malapit sa isa't isa, unti-unti kong narealize na hindi naman pala totoo yun. Pinatunayan niya sa akin na hindi mahirap makahanap ng tunay na kaibigan sa college.
Nung una kong nakita tong babaeng to, sabi ko, uy si iCarly to ah! Ang cute cute niya, tapos friendly talaga siya. Simula noon, nakabuo kami ng isang grupo, pero sa kasamaang palad, hindi rin nagtagal, unti-unti kaming nalalagas. Pero siya, siya yung hindi nawala sa tabi ko. Lagi siyang nariyan at handang tumulong sa mga kaibigan niya kahit na minsan ay bigla-bigla siyang nawawala dahil ay isa rin siyang napaka-busyng tao bilang siya ay isa ring officer.
Siya yung laging nagpapalakas ng loob ko at sa kanya ko rin nakukuha ng encouragement sa tuwing nawawalan ako ng tiwala sa sarili. Sa madaling salita, binigyan niya ng kulay ang buhay ko.
Pero, paano na ngayon wala ka na? Wala ng tagapagsabi at tagapag-paalala sa akin ng mga dapat at hindi dapat gawin. Sino ang manlilibre sa akin ng pamasahe sa tuwing pinipilit mo akong makasabay sa jeep pauwi. Sino kkwentuhan ko sa tuwing may bago akong boylet?
Sabi mo, tuturuan mo pa akong mag-piano diba? :( Paano na? Mamimiss kita. Mamimiss ko yung mga kurot mo, mga kaharutan mo at ang pagkasadista mo. Mababawasan na ang pagka-irita gomez ko sa tuwing pinipilit mo ko sa isang bagay na ayaw ko naman. Pero alam ko namang nanglalambing ka lang. :((
Sobra ako nasasayangan at maaga ka kinuha ni Lord sa amin. hindi man lang ako nakapagpasalamat sayo Trish, at humingi ng tawad sa lahat ng pagkukulang ko saiyo bilang kaibigan at sa lahat ng pagkakataong nasasaktan at na-ooffend kita. Gayumpaman, mananatili ka lagi dito sa puso ko. Alam mo yan. Kaya kung nasaan ka man ngayon, alam kong nasa mabuti ka ng kalagayan at masaya ako para sayo. Sana lang kahit alam mong namimiss kita, huwag mo na kong bibisitahin ha. Please lang! Kami na lang bibisita sayo, kahit araw araw pa! Love you beb!"
-Samae Laurente
Nakakiyak no? Ang dami kong natutunan sa final exam namin na 'to. Ang daming realizations. Kaya habang may panahon pa, habang may pagkakataon pa, iparamdam mo na sa mga taong mahal mo kung gaano sila kahalaga sayo at kung gaano mo sila kamahal. Go na, itext mo na sila, bigyan mo sila ng mahigpit na yakap, or ikiss mo na mga magulang mo, kapatid mo, lola, lolo, lahat! Habang may panahon pa :) Magpasalamat ka na, o di kaya humingi ng tawad. Huwag mo na hintayin dumating ang panahon na magsisisi ka dahil di mo sila pinahalagahan nung andyan pa sila. :)
Huwag mo na hintayin na hanggang sa Eulogy mo na lang sasabihin ang mga nais mong malaman niya. :)
Sam! Maraming salamat sa eulogy na to beb. Kahit requirement 'to, alam kong you wrote this from the bottom of your heart. Haha! I love you! <3