Posterous theme by Cory Watilo

"Mga Kwerdas ng Gitara"

 I was browsing through my files when I saw this poem I wrote last semester, a requirement for our Retorika subject (suddenly remembered Sir Eros Atalia!) :) So there.. I'll post and share :)

“Mga Kwerdas ng Gitara” 


Anim na kwerdas na iba’t iba ang tunog

 Ngunit pag tinugtog ng sabay-sabay, musika ang handog

 Gitarang nagbibigay ng himig,

 Gitarang nagbibigay kulay sa pag-ibig


Ito ang kasama sa kasiyahan

 Karamay din sa kalungkutan

 Bawat tunog nito ay mahalaga

 Na sa puso ay tila nagpapaligaya.


Di inaasahan na isang araw, mga kwerdas ay mapipigtas

 Tila lungkot at pagkawala ng pag-asa ang naipamalas

 Himig at musika’y hindi sinasadyang magwakas

 Ang tanging naiwan ay mga bakas ng nakaraan.


Ano na ang halaga ng gitara?

 Kung di na maipapamahagi ang musika

 Ito ba’y tuluyan nang malilimutan?

 O magiging ala-ala ng lumipas na pagmamahalan?


Mahirap mang isipin, pero kailangang tanggapin

 Na ang lahat ng bagay ay may katapusan

 Musika’y kalian na ulit mapapakinggan 

 Kung ang mga kwerdas ng gitara ay pigtas na.